足球外围app
Ano ang Pagpatay ng Koryente para sa Kaligtasang Pampubliko (Public Safety Power Shutoff)?外围投注app有哪些
Para sa kaligtasang pampubliko, posibleng kailangan naming patayin ang koryente kapag ipinahayag na magkakaroon ng malakas na hangin at may kalagayan ng pagkatuyo, kasama ang mataas na panganib na magkasunog. Tinatawag itong “Pagpatay ng Koryente para sa Kaligtasang Pampubliko (Public Safety Power Shutoff)” o “PSPS.”
外围投注app有哪些
Habang mas malamang na maapektuhan ang mga kostumer sa mga lugar na may mataas na panganib sa sunog, sinuman sa mahigit na 5 milyong kostumer ng PG&E na gumagamit ng koryente ay posibleng dumanas ng pagpatay ng koryente. Ito ay dahil umaasa ang sistema ng enerhiya sa mga linya ng koryenteng magkakasamang gumagana upang magbigay ng elektrisidad sa mga lungsod, county at rehiyon.
Puwedeng tumagal nang ilang araw ang pagkawala ng koryente足球外围app
Gusto naming magkakasamang magtrabaho para matulungan ang aming kostumer na maihanda at mapanatiling ligtas ang inyong tahanan, pamilya o negosyo sa oras ng matinding lagay ng panahon at posibleng pagkawala ng koryente. Alamin pa ang kung paano maghanda ng plano sa kaligtasan.
Kailangan namin ang inyong impormasyon sa pagkontak足球外围app
Pakitiyak na mayrooon kami ng inyong wastong email address, numero ng landline at mobile para makontak namin kayo bago ang Pagpatay ng Koryente para sa Kaligtasang Pampubliko, kung kailan at saan posible.
外围投注app有哪些
足球外围app
Walang iisang salik o factor na nagbubunsod ng Pagpatay ng Koryente para sa Kaligtasang Pampubliko, dahil natatangi ang bawat sitwasyon. Maingat na nirerepaso ng PG&E ang kombinasyon ng maraming pamantayan kapag inaalam kung dapat bang patayin ang koryente para sa kaligtasan. Kadalasang kasama ngunit hindi limitado sa mga salik na ito:
- Isang Red Flag Warning (mataas ang panganib ng sunog) na ipinahayag ng National Weather Service
- Mababang level ng halumigmig (humidity), karaniwang 20 porsiyento at pababa
- Inaaasahang lakas ng hangin na karaniwang higit sa 25 mph at bugso ng hangin na lagpas sa mga 45 mph, depende sa lokasyon at kondisyong nakaugnay-sa-tiyak na lugar tulad ng temperatura, kalupaan at panahong lokal
- Kondisyon ng tuyong gatong sa lupa at buhay na tumutubong halaman (taglay na moisture)
- Nasa larangan, totoong-oras na obserbasyon mula sa Wildfire Safety Operations Center (Sentro ng Operasyon para sa Kaligtasan sa Wildfire o Mabilis na Kumakalat na Sunog) at kawaning nasa larangan ng PG&E
Mahalaga na habang aming minomonitor at isinasaalang-alang ang inilabas na mga Red Flag Warning ng National Weather Service, hindi awtomatikong nagkakaroon ng Pagpatay ng Koryente para sa Kaligtasang Pampubliko sa paglalabas ng Red Flag Warning.
足球外围app
Inaasahan nating mangyari ang Pagpatay ng Koryente para sa Kaligtasang Pampubliko nang ilang beses kada taon sa lugar na sineserbisyuhan ng PG&E ngunit imposibleng masabi nang may katiyakan kung saan at kung gaano kadalas na mangyayari ang matitinding lagay ng panahon sa harap ng nagbabagong kondisyon ng kapaligiran.
Samantalang mas malamang na maapektuhan ang mga kostumer sa mga lugar na mataas ang panganib sa sunog, posibleng mapatayan ng kanilang koryente ang sinumang kostumer kung umaasa ang kanilang komunidad sa linyang dumaraan sa lugar na mataas ang panganib sa sunog. Gusto namin na handa ang lahat ng aming kostumer sa posibilidad na ito, saan man sila naninirahan o nagtatrabaho.
足球外围app
TAng pinakamalamang na mga linya ng koryente na maisasaalang-alang sa pagkawala ng koryente para sa kaligtasang pampubliko ay iyong dumaraan sa mga lugar na naitalaga ng mapa ng Distritong Mataas ang Panganib sa Sunog (High Fire-Threat District map) ng Komisyon para sa mga Pampublikong Serbisyo ng California (California Public Utilities Commission, CPUC) na nakaangat (Antas 2) o labis na mapanganib (Antas 3) para sa sunog na mabilis kumalat. Ang mga kostumer sa labas ng mga lugar na ito ay posible ring mapatayan ng kanilang koryente kung umaasa ang kanilang komunidad sa linyang dumaraan sa lugar na mataas ang panganib sa sunog. Gusto namin na handa ang lahat ng aming kostumer sa mga pagkawala ng koryente para sa kaligtasang pampubliko. Pakigamit ang mga tip at kagamitang ito::
- Tingnan ang pahina tungkol sa pagkakaroon ng PSPS (PSPS event page). Regular kaming magpapaskil ng pagpapanatiling bago tungkol sa partikular na pagkakaroon ng PSPS. Bisitahin ang pahina tungkol sa pagkakaroon ng PSPS.
- Gamitin ang aming mga kasangkapan para sa pagpaplano kapag nagkaroon ng PSPS. Kapag nag-anunsiyo ang PG&E na puwedeng magkaroon ng PSPS, o magkakaroon nito malalaman ninyo nang maaga kung maaapektuhan ang tirahan ninyo sa pamamagitan ng pagbisita sa aming mapa ng Potensiyal na PSPS na pagkawala ng koryente (Potential PSPS outage map).
- Panatilihing bago ang inyong impormasyon sa pagkontak. Kung posible, nagpapadala kami ng mga babala sa mga kostumer ng PG&E nang maaga at sa oras ng PSPS. Alamin sa ibaba ang iba pang bagay tungkol sa "Paano at kailan ako maaabisuhan kung talagang kailangan ang pagpatay ng koryente?" Panatilihing bago ang inyong impormasyon sa pagkontak ngayon.
- Kumontak sa inyong landlord (nagpapaupa) o sa property manager (tagapamahala ng ari-arian). Kung ang inyong landlord o property manager ang may hawak ng PG&E account sa inyong address, sila ang makakatanggap ng mga abiso sa ngalan ninyo. Hinihikayat namin na makipag-ugnayan sa kanila para kumpirmahing alam nilang makipag-ugnayan sa inyo. O, magpalista para makatanggap nang deretso mula sa PG&E ng mga PSPS ZIP Code Alert para sa mga walang account.
- Sundan ang inyong mapagkukunan ng lokal na balita at ang social media. Nagpapaskil kami ng mga update tungkol sa PSPS sa Twitter, Facebook at iba pang social media. Magrereport din ang inyong lokal na mapagkukunan ng balita tungkol sa pinakabagong impormasyon sa PSPS.
足球外围app
Kapag kailangan naming patayin ang isang linya ng koryente para sa kaligtasan, maaapektuhan ang, lahat ng kostumer na kumukuha ng koryente sa linyang iyon. Ang mga pasilidad na pang-emergency tulad ng mga ospital at estasyon ng bumbero at pulis ay karaniwang gumagamit ng generator upang patuloy na makapagserbisyo.
Posibleng tumagal nang ilang araw ang Pagpatay ng Koryente para sa Kaligtasang Pampubliko. Kung mayroon kayong natatanging pangangailangan (special needs) na kailangan ng koryente, hiling namin na magkaroon kayo ng nakahandang planong pang-emergency. Maging handa sa pagkilos kapag inabisuhan kayo ng PG&E na malapit nang magkaroon ng pagpatay ng koryente. Laging ihandang masangguni ang numero sa telepono na pang-emergency at maghanda ng pangalawang plano para sa lugar na malilipatan kung kailangan. Makipag-ugnayan sa mga lokal na awtoridad tungkol sa mga magagamit na rekurso.
GUMAWA NG PLANO SA KAHANDAAN NA PANG-EMERGENCY (EMERGENCY PREPAREDNESS PLAN)
Kung isa kayong Medical Baseline (may mga espesyal na medikal at pang-enerhiya na pangangailangan) na kostumer, mangyaring alamin na gagawin namin ang lahat para maabisuhan kayo sa pagkawala ng koryente bago ito mangyari:
- Makikipag-ugnayan kami sa inyo sa pamamagitan ng mga automated na tawag, text at email.
- Kung hindi kami tuwirang makipag-usap sa inyo o sa isang miyembro ng pamilya, o makatanggap ng kumpirmasyon ng email o text na ipinadala namin, magpa-follow up kami sa pamamagitan ng tawag sa telepono.
- Kung hindi magawang makatawag, susubukan naming abisuhan kayo nang personal sa inyong tirahan.
Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa 1-800-743-5000.
TIYAKIN NA TAMA ANG INYONG IMPORMASYON SA PAGKONTAK
外围投注app有哪些
足球外围app
足球外围app
Gagamitin namin ang impormasyon sa pagkontak na nakaugnay sa inyong PG&E account para makaugnay sa inyo. Kaya bilang panimulang hakbang para mapanatiling ligtas kayo at ang inyong pamilya, tiyaking mayroon kami ng inyong tamang email address, numerong landline at numerong mobile. Kung ang inyong landlord o property manager ang may hawak ng PG&E account sa inyong address, sila ang makakatanggap ng mga abiso sa ngalan ninyo. Hinihikayat namin na makipag-ugnayan sa kanila para kumpirmahing alam nilang makipag-ugnayan sa inyo.
PANATILIHING BAGO ANG INYONG IMPORMASYON SA PAGKONTAK
足球外围app
Susubukan naming makipag-ugnayan sa inyo gamit ang lahat ng paraan ng pagkontak na inyong ibinigay. Posibleng makatanggap kayo ng nauulit na mga abiso sa telepono, email o text. Layunin namin na mapakinabangan ang lahat ng magagamit na impormasyon sa pagkontak upang maiparating sa inyo ang mahalagang impormasyon at mabigyan kayo ng oras na maihanda ang inyong tahanan o negosyo.
Gagamitin din namin ang lahat ng daluyan ng social media at bibigyan ng impormasyon at bagong balita ang mga lokal na balitaan at radyo.
足球外围app
Kung kailangan naming patayin ang inyong koryente para sa kaligtasan, layunin namin na magbigay ng maagang abiso sa tatlong yugto:
- Maagang abiso (kapag posible)
- 48 oras bago patayin ang koryente
- 24 oras bago patayin ang koryente
- Abiso ng pagpatay ilang sandali bago patayin ang koryente
TANDAAN: Dahil sa pagtutuon sa kaligtasan, ipapadala ang abiso ng pagpatay sa koryente anumang oras, araw o gabi. Sisikapin naming maipadala ang lahat ng iba pang abiso sa pagitan ng 8 a.m. at 9 p.m. Gayon pa man, posibleng mabilis na magbago ang panganib ng matitinding lagay ng panahon, at may mga pagkakataon na maipapadala ang mga abiso sa labas ng mga oras na ito alinsunod sa pagsusulong sa kaligtasan. - Sa oras ng pagkawala ng koryente para sa kaligtasang pampubliko
- Kapag naibalik na ang koryente
TANDAAN: Kung kailangan ninyo ng tulong para maintindihan ang mahalagang mensaheng ito sa ibang wika bukod pa sa Ingles, pakitawagan para sa Tsino ang 1-800-893-9555, para sa Espanyol, ang 1-800-660-6789 o para sa Vietnamese, ang 1-800-298-8438.
足球外围app
Hindi. Makikipag-ugnayan kami sa lahat ng apektadong kostumer gamit ang lahat ng pamamaraan sa pagkontak batay sa impormasyong kaugnay ng inyong account.
足球外围app
Hindi puwedeng hindi kayo lumahok sa alinmang mga maagang abiso (48-oras, 24-oras o sa oras ng pagpatay ng koryente). Gayon pa man, puwede kayong hindi lumahok sa mga pananatiling bago ng mga datos sa oras ng pagkawala ng koryente para sa kaligtasang pampubliko, kasama na ang pinal na komunikasyon na nagsasabi sa inyo na naibalik na ang koryente. Makakabisa lamang ang pagpili ng hindi paglahok para sa mga espesipikong pagkawala ng koryente at hindi madadala sa alinmang pagkawala ng koryente sa hinaharap. Magagawa ninyong hindi lumahok sa mga pagpapanatili ng bagong datos sa mga pagkawala ng koryente sa hinaharap.
足球外围app
Sisikapin naming maipadala ang lahat ng iba pang abiso sa pagitan ng 8 a.m. at 9 p.m. Gayon pa man, posibleng mabilis na magbago ang panganib ng matitinding lagay ng panahon, at may mga pagkakataon na maipapadala ang mga abiso sa labas ng mga oras na ito alinsunod sa pagsusulong sa kaligtasan.
外围投注app有哪些
足球外围app
Iba ang bawat sitwasyon, tulad ng lagay ng panahon sa bawat araw. Inaasahan naming matitingnan sa inspeksiyon ang sistema para sa mga sira at maibalik ang koryente sa karamihan sa aming kostumer sa loob ng 24 hanggang 48 oras pagkatapos ng matinding lagay ng panahon. Dahil posibleng tumagal nang ilang oras o araw ang matinding lagay ng panahon, para sa layunin ng pagpaplano, iminumungkahi namin sa mga kostumer na maghanda para sa pagkawala ng koryente na posibleng mas matagal pa kaysa 48 oras.
足球外围app
足球外围app
Regular kaming magpapaskil ng pagpapanatiling bago tungkol sa partikular na pangyayari sa PSPS sa oras na makukuha na ang mga ito.
BISITAHIN ANG PAHINA NG PANGYAYARI SA PSPS
足球外围app
- Hindi ninyo kailangang maglagay ng tirahan para makita ang mga pagkawala, pero puwede ninyo itong magawa kung gusto ninyong matingnan ang isang tiyak na tirahan.
- Hindi ninyo kailangang naka-log in para magamit ang mapang ito.
- Ang pagkakaroon ng Pagpatay ng Koryente para sa Kaligtasang Pampubliko ay namamarkahan ng mga bandilang lila o lilang polygon. Kasama sa mapang ito ang impormasyon ng pagbabalik ng koryente para sa bawat lugar, habang nagiging puwede na itong magamit.
MAHALAGA: Lumilitaw lamang ang mga lilang bandila kapag nagsimula na ang pagkawala ng koryente, tulad ng makikita sa halimbawang ito:

BISITAHIN ANG MAPA NG PAGKAWALA NG KORYENTE
外围投注app有哪些
足球外围app
足球外围app
- I-download ang aming papel na naglalaman ng impormasyon tungkol sa Pagpatay ng Koryente para sa Kaligtasang Pampubliko (PDF, 562 KB)
- I-download ang aming papel na naglalaman ng impormasyon tungkol sa Pagpatay ng Koryente para sa Kaligtasang Pampubliko kaugnay ng mga patakaran at pamamaraan (PDF, 5.8 MB)
足球外围app
Ipamahagi ang impormasyon na ito sa mga residente at umuupa.
足球外围app
足球外围app
We file a report with the California Public Utilities Commission (CPUC) after each PSPS event, as well as progress reports.
足球外围app
足球外围app
May pinagsamang planong pangkaligtasan ang mga utilidad足球外围app
Alamin pa ang tungkol sa mga ginagawa ng pinakamalalaking kompanya sa enerhiya ng California para matugunan ang panganib ng mabilis na kumakalat na sunog at Mga Pagpatay ng Koryente para sa Kaligtasang Pampubliko.
外围投注app有哪些
Audio description and transcript are available for this video:
Access an audio descriptive version
Download a transcript (PDF, 101 KB)